Halimuyak 101
Ni
v.g. suarez
ambrosia't nektar
na hinugut-hugot
ng musang bathala
sa ubod
sa ubod
ng pusong makata -
hiningang banayad
na inanud-anod
ng diwang malaya
at nang maiawit
ang dukhang pag-ibig
sa mahal na yapak
ng Diyos
ng bayan
ng tao
at ng kalikasan….